PARA sa iyo apo
ARCHIE OCLOS
Para sayo ito apo
Ang sining na ito ay pakikiisa ko para sa ating mga katutubong Ayta. Nagmistulang pang harang sa daraanan upang hindi makapasok ang mga dambuhalang truck at backhoe na siyang ginagamit sa pagka-quarry. Ang mga usok sa likuran na galing sa mga truck at makikita ang matandang babae na Karga karga ang kanyang apo na sumisimbolo ng katapangan, pagtatanggol at paglaban sa lupang ninuno. Inaalay nya ang kanyang pag-ibig sa kalikasan na kanilang tahanan at sa kanyang susunod na salinlahi upang makapamuhay ng masagana at payapa.
ARCHIE OCLOS
8ft. x 12ft.
Sitio Pidpid, Porac Pampanga
2018